34:38
ANNA LU
669
SANTO ROSARYO Ang Misteryo ng Tuwa. .“ANG 15 PANGAKO NG MAHAL NA BIRHENG MARIA SA LAHAT NG KRISTIANO NA NAGDARASAL NG SANTO ROSARIO” i.Sino mang matapat na magsilbi sa akin sa pamamagitan ng pagdarasal …Higit pa
SANTO ROSARYO Ang Misteryo ng Tuwa.

.“ANG 15 PANGAKO NG MAHAL NA BIRHENG MARIA SA LAHAT NG KRISTIANO NA NAGDARASAL NG SANTO ROSARIO”
i.Sino mang matapat na magsilbi sa akin sa pamamagitan ng pagdarasal ng Rosaryo ay makakatangga ng mahalagang grasya.
ii.Ipinangangako ko ang aking tanging pagsasanggalang at grasya salahat ng magdarasal ng Rosaryo
iii.Ang Rosaryo ay isang malakas na baluti laban sa impiyerno. Ito ay makakagiba ng bisyo, makakabawas ng kasalanan at makakalaban sa maling pananampalataya.
iv.Magiging sanhi ng kabaitan at mga banal na Gawain para sa kaluwalhatian, ito ay makapagkakamit para sa kaluluwa ng masaganang awa ng Diyos. Ito ang makapaglalayo sa puso ng tao sa hangaring kamunduhan at kawalang halaga nito. Ang Rosaryo ay magtataas sa kanila sa pagnanais sa walang hanggang kaligayahan O nawa’y magpakabanal ang mga tao sa pamamagitan ng Rosariyo
v.Ang mga kaluluwa na naglalagak sa kanilang sarili sa akin sa pamamagitan ng Rosaryo ay hindi mapapahamak
vi.Ang sino mang magdarasal ng taimtim ng Rosaryo habang nag ninilay ng mga Misteryo ay hindi malulupig ng kasawiang palad. Siya ay hindi parurusahan ng hustisya ng Diyos , hindi siya mamamatay sa kamatayang walang paghahanda, kung siya ang nabubuhay ng matuwid siya ay mananatili sa grasya at magiging karapatdapat sa buhay na walang hanggan.
vii.Sino mang may matapat na debosyon sa Rosaryo ay hindi mamamatay ng walang sarkramento ng Iglesia
viii.Ang mga matatapat sa pagdarasal ng Rosaryo ay magkakaroon sa buhay at sa kamatayan ng liwanag Diyos, at kasaganaan ng grasya sa merito ng mga santo sa paraiso
ix.Aking hahanguin sa purgatory ang mga deboto ng Santo Rosaryo
x.Ang matatapat na anak ng aking Rosaryo ay magkakamit ng mataas na kaluwalhatian sa langit.
xi.Makakamtam niya ang anumang hingin niya sa akin sa pamamagitan ng Santo Rosaryo
xii.Lahat ng mag papalaganap ng debosyon sa Santo Rosaryoay tutulungan ko sa kanilang mga pangangailanagn
xiii.Ang lahat ng tagapagtaguyod ng Rosaryo ay magkakaroon ng tagapamagitan sa buong kalangitan
xiv.Ang lahat ng nagdarasal ng Santo rosary ay ibibilang kong anak at kapatid ng bugtong kong anak na si Hesus.
xv.Ang debosyon sa aking Rosaryo ay isang dakilang tanda ng kahalagahan ng pagkaligtas ng isang tao.