Clicks30
fil.news

Burke: "Hangal" Ba ang Tingin ni Francis sa mga Dubia Kardinal?

Ang Dubia na tinanggihan ni Papa Francis na sagutin, ay "napakahalagang mga tanong", ipinaliwanag ni Kardinal Raymond Burke pagkatapos ng kanyang pagsasalita noong Abril 27 sa Bratislava, Slovakia.

Nagkomento si Burke, "Kung kaming mga Kardinal sa nababasang mga teksto (sa Amoris Laetitia) ay may ganito kaseryosong mga katanungan - maliban kung ang tingin mo sa aming apat ay mga hangal o istupido - ito din ang katanungan ng iba".

Pinabulaanan ng Kardinal ang kakaibang argumento ng Italyanong pilosopo na si Rocco Buttiglione na sinabi sa kanyang kamakailan lamang na libro na ang mga nangangalunya ay maaaring masabing walang sala dahil sa hindi karaniwang pangyayari.

Ipinaliwanag ni Burke na ang ganitong argumento ay maaaring isagawa base sa indibiduwal na gawa ngunit bilang isang tao na nabubuhay sa mortal na kasalanan.

Itinuro niya na kung ang ilang mga diborsiyado ay maaaring pumasok sa ikalawang pagsasama, "ang kasal ay hindi talaga matibay".

Ipinaalala ni Burke na ang turo sa Katoliko tungkol sa kasal ay binubuwag sa buong kasaysayan ng Simbahan. Gayunpaman, "Ang Simbahang Katoliko ay ang tanging Simbahan na nanatiling tapat sa turo ng Diyos at naging makatuwiran".

Ikwinento ni Burke ang tungkol sa isang pari sa New York na kinausap ng isang ministro ng Lutheran na sinabing: "Matagal na naming isinuko ang turong iyan ngunit lagi kaming umaasang panindigan ito ng Simbahang Katoliko".

picture: Raymond Burke, #newsVvoxvmdtas