Wika
Mga Click
41
fil.news

Erehiyang mga Obispong Aleman Ipinakilala ang Komunyon Para sa mga Protestante

Ang mga obispo ng (dating) Simbahang Katoliko sa Alemanya ay lumubog ng lumubog sa kumunoy ng erehiya at hindi pananampalataya.

Sa panahon ng pagpupulong sa Ingolstadt na nagtapos noong Pebrero 22, bumoto ang malaking bilang ng mayorya pabor sa (lapastangang) pagbibigay ng Banal na Komunyon sa mga Protestante, na kasal sa isang Katoliko. Para sa Simbahan, ang desisyong ito ay walang bisa sapagkat walang kakayahan ang mga obispo na gumawa ng ganitong desisyon na salungat sa Ebanghelyo.

Ayon sa katholisch.de (Pebrero 22) ang mga obispo ay nagbigay ng "mga kondisyon" sa lapastangang pagtanggap ng Komunyon, halimbawa, "pakikipag-usap sa pari" at "pagdedesisyon base sa konsensya" ang nagpapatibay sa Katolikong pananampalataya. Ngunit ang nagpapatibay dapat ng Katolikong Pananampalataya, ay ang pagkukumberte sa Simbahan.

Higit pa dito: Paano tatanggap ang Protestante ng Komunyon, kung hindi muna siya nangumpisal na hinihingi ng Simbahan?

Tinawag ng kilalang si Kardinal Marx ng Munich ang kilos ng apostasya ng mga obispo na "isang positibong progreso" at inanunsyo na ang bagong polisiya ay ipapakilala gamit ang "base sa kasong" panloloko. Binanggit din niya ang erehiya na hindi kailangang magpakumberte ng Protestante sa Katolisismo upang tumanggap ng Banal na Komunyon.

Ang desisyon ng mga Alemang obispo, ay isang pagtatangka na "gawing legal" ang katotohanan, na sa Alemanya ang mga hindi Katoliko ay imbitadong tumanggap ng Komunyon. Ang pang-aabusong ito ay pinapagaan ang katotohanan, na labis na nilalapastangan ang liturhiya sa Alemanya, na madalas, ang Eukaristiya ay hindi ipinagdiriwang ng tama, na nangangahulugan na tanging piraso lamang ng tinapay ang ipinamimigay sa mananampalataya, na malinaw, na maaari ding kainin ng mga Protestante.

picture: Rainer Maria Woelki, Rainhard Marx © Raimond Spekking, CC BY-SA, #newsWerabdsrgt