fil.news
78

Kardinal Marx may "mahalagang kasunduan" sa Protestanteng Pananampalataya

Noong Sabado sa isang ekumenikal na pangyayari sa Bochum, Germany, si Kardinal Reinhard Marx ng Munich ay nanawagan sa mga Katoliko at Protestante "na magkaisa". Ayon sa Alemang media, sinabi ni Marx,…Higit pa
Noong Sabado sa isang ekumenikal na pangyayari sa Bochum, Germany, si Kardinal Reinhard Marx ng Munich ay nanawagan sa mga Katoliko at Protestante "na magkaisa".
Ayon sa Alemang media, sinabi ni Marx, "Ang isa ay dapat tumigil sa pagsasalita tungkol sa pagkakabuklod-buklod ng mga simbahan, sapagkat mayroong importanteng kasunduan sa Pananampalataya". Mayroong malaking pagdududa kung si Marx, isang liberal-relavist na nabibilang sa Konseho ng mga Kardinal ni Papa Francis, ay lubos pa ring nalalaman kung tungkol saan ang Katolikong Pananampalataya.
Tungkol sa sinabi ni Marx, ang Alemang Protestang Simbahan na Evangelische Kirche Deutsclands, ay nagtataguyod ng teolohikal na relativism, nilalapastangan ang teolohikal na kapangyarihan ng Bibliya, nagtataguyod ng baklang pastor at pekeng homoseksuwal na kasal, pro-abortion, hindi naniniwala sa pitong sakramento, sedevacantist, tumatanggi sa Birheng Maria at nagtataguyod ng ilegal na maramihang imigrasyon.
picture: Reinhard Marx, Bedford-…Higit pa