fil.news
37

Ang Banal na Komunyon ay Hindi Tulad ng Serbesa o Cake na Pinagsasaluhan ng Magkakaibigan - Kardinal

Ang mga Protestante na nais tumanggap ng Banal na Komunyon ay dapat maging Katoliko, sinabi ni Kardinal Francis Arinze, 85, sa Catholic News Service (Mayo 23).

"Halika, maging kaisa ka ng Simbahan, at pagkatapos ay makatatanggap ka na ng Banal na Komunyon pitong beses sa isang linggo. Kung hindi, hindi".

Itinuro ni Arinze na ang Banal na Komunyon ay eksklusibo lamang sa mga Katoliko sa estado ng grasya at hindi isang bagay na pinagsasaluhan ng magkaibigan tulad ng serbesa o cake,

"Pagkatapos ng Misa, maaari kang pumunta sa kainan at magtsaa, maging ang uminom ng isang baso ng serbesa at kaunting cake. Ayos lang iyon. Ngunit ang Misa ay hindi tulad niyon".

Hindi direktang tumutol ang Kardinal sa 'Amoris Laetitia' ni Papa Francis na "nagpapahintulot" sa mga diborsyado at muling ikinasal na Katoliko na tumanggap ng Komunyon. Ngunit tumutol si Arinze na hindi tayo maaaring maging "mas maawain" kaysa kay Hesukristo, "Hindi tayo ang gumawa nito(ng turo), si Kristo ang nagsabi nito".

picture: Francis Arinze, © Michael Swan, CC BY-ND, #newsQgdbnueknf