34:35
ANNA LU
1.2K
Ang Santo Rosaryo - Ang Misteryo ng Hapis. MARTES,.Ayon sa tradisyon ng Simbahang Katoliko, ibinigay at itinuro ng Birheng Maria ang pagdarasal ng rosaryo kay Santo Domingo de Guzman, nang siya'y …Higit pa
Ang Santo Rosaryo - Ang Misteryo ng Hapis.

MARTES,.Ayon sa tradisyon ng Simbahang Katoliko, ibinigay at itinuro ng Birheng Maria ang pagdarasal ng rosaryo kay Santo Domingo de Guzman, nang siya'y sinabing nagpakita rito noong 1208 sa simbahan ng Prouille sa France.
Noong ika-13 siglo, talamak ang heresy ng mga Albigense sa rehiyon ng Languedoc sa France. Habang pinupuksa ng isang krusada ang mga heretic, nangangaral naman si Santo Domingo at iba pang mga Katolikong pari sa mga Albigense. Sa kabila ng kanilang pagsusumikap hindi nila mapagtagumpayan ang mga heretic.[3] Upang maibsan ang galit ng Diyos sa mga heretic at makuha niya ang kaniyang atensiyon – nag-ayuno, marahas na penitensiya at taimtim na nagdasal ng walang patid sa loob tatlong araw at gabi[4] si Santo Domingo, hanggang siya'y nanghina at na-coma.[5] Sinabing dito nagpakita sa kanya ang Mahal na Birhen na pinapalibutan ng tatlong anghel, at siya'y kinausap nito "Minamahal kong Domingo, alam mo ba kung aling sandata ang gusto ng Banal na Santatlo na iyong gamitin upang mabago ang mundo?" Nabighani si Santo Domingo ng pangitaing ito at inaming ang Mahal na Birhen lamang ang tanging makakaalam. "Gusto kong malaman mo na, sa ganitong uri ng pakikipaglaban, ang tanging pangwasak ay ang [mala-Anghel na Psalter na pundasyon ng Bagong Tipan. Kaya kung nanaisin mong mapalapit sa mga matitigas-ang-loob at ilapit sila sa Diyos, ituro mo ang aking Psalter," ang naging tugon ng Mahal na Birhen sa kanya.[3] Dali-dali siyang bumangon at agarang itinuro ang kaniyang bagong debosyon. Naging epektibo ito na naging daan upang magbalik-loob ang mga heretic.[2] Sa Labanan sa Muret noong 1213, inenganyo ni Santo Domingo na magdasal ng rosaryo ang puwersa ng krusada na pinamumunuan ni Simon de Monfort, sa kanilang pakikipaglaban sa puwersa ng Albigense. Nagwagi ang Katolikong puwersa ng krusada sa nasabing labanan. Sa kanilang palagay ay kanilang pagkapanalo ay mahimala at ito'y idinulot ng kanilang pagdarasal ng rosaryo.