fil.news
45

Ngayon ang Sikretong Komisyon ay may Mukha Na

Si Luca Maria Negro, ang presidente ng Federation of the Evangelical Churches in Italy ay inanunsyo sa nev.it (Enero 10) na ang "2018 ay magiging mahirap na taon para sa ekumenismo sa Italya at sa buong mundo".

Bilang dahilan para dito, sinabi ni Negro na ngayong taon ang Tavolo permanente di consultazione (Permanenteng Lupon ng Konsultasyon) kasama ng mga Katoliko, Protestante at Ortodokso ay itatayo sa Italya. Hindi ipinaliwanag ni Negro kung bakit ito magiging "mahirap" para sa ekumenismo sa buong mundo.

Pinunan ng Anonimi della Croce (Enero 11) ang kulang. Ayon sa blog ang bagong lupon ay ang kasalukuyang sikretong komisyon na nagtatrabaho sa ekumenikal na misa. Ang kasunod na pagpupulong nito ay sa Pebrero 12.

Si Obispo Ambrogio Spreafico ng Frosinone, ang reponsable sa ekumenismo sa Kumprenensya ng mga Obispo, ay sinabi ayon sa agensir.it (Disyembre 11) na ang basehan para sa bagong istrukturang ito ay "walang makapagsasabi na sila lamang ang may hawak ng buong katotohanan". Ito gayunman, ay isa sa mahalagang pahayag ng Simbahang Katoliko.

Ayon sa Anonimi della Croce ang grupo ay maglulunsad ng ekumenikal na misa sa mga susunod na buwan.

picture: Ambrogio Spreafico, © Beatrice, wikicommons CC BY-SA, #newsRtzgdhfazm