fil.news
106

Lindol sa Mehiko Pumatay ng 11 sa Kalagitnaan ng Binyag

Labing isang miyembro ng pamilya ang namatay sa loob ng simbahang Santiago Apostol sa Atzala, Mexico, ng tinamaan ng isang 7.1 na lindol ang gusali noong Martes. Gumuho ang bubong ng Simbahan sa kalagitnaan ng Banal na Misa para sa binyag ng dalawang buwang babaeng sanggol. Ang tanging nakaligtas ay ang ama ng sanggol, ang pari at ang katulong ng pari. Nasa apat na bata ang kasamang namatay. Hinanay ng mga sumagip ang katawan ng mga namatay sa kalye kung saan dapat sana'y pagdadausan ng salu-salo matapos ang pagbibinyag.

picture: ©Linh Vien Thai, CC BY-ND, #newsXzxlctliqf