fil.news
108

Naging Muslim Ba ang Vicar General?

Hindi mapabulaanan ni Obispo Edwin dela Peña ng Marawi, Philippines, ang mga usap-usapan na ang kanyang vicar general na si Padre Teresito 'Chito' Soganub na naging bihag ng 117 araw ng teroristang grupo ng Muslim ay nagpakumberte sa Islam.

"Wala kaming anumang kumpirmasyon tungkol dito" ang sagot ni Obispo dela Peña nang tinanong kung si Soganub ay naging isang Muslim. Idinagdag pa ng obispo na kung ang isa ay nagpakumberte sa konteksto ng kaguluhan sa Marawi City, "hindi ito makokonsiderang ganap na pagbabagong loob".

Isang tagapagsalita ng komite sa pamamahala ng panlalawigang krisis, ang kamakailan lamang ay sinabing si Soganub ay pwinersa na magkumberte sa Islam.

Ayon sa rappler.com madalas mapagkamalan si Soganub na Muslim dahil sa kanyang mahabang balbas.

picture: Teresito 'Chito' Soganub, GMA News, #newsGnqsexkwzt