fil.news
38

"Malubhang Alitan" - Bitong Alemang Obispo Tinuligsa ang Kanilang mga Ereheng Kapatid na Obispo sa Vatican

Mayroong "malubahang alitan" sa pagitan ng mga Alemang obispo tungkol sa kamakailan-lamang na pagpapakilala ng Komunyon para sa mga Protestante, iniulat ng Kölner Stadtanzeiger (Abril 4).

Noong Pebrero 22, dalawang-ikatlo ng mga Alemang obispo ang "pumayag" na tumanggap ang mga Protestante ng Banal na Komunyon.

Laban sa desisyon na ito ang anim na obispo at si Kardinal Rainer Woelki ng Cologne na sumulat kamakailan lamang ng liham sa parehong Kongregasyon para sa Doktrina ng Pananampalataya at Konseho para sa Pagkakaisa ng mga Kristiyano.

Tinawag ng pitong prelado ang desisyon na hindi lehitimo, salungat sa doktrina ng Katoliko at pagkakaisa ng Simbahan. Ayon sa kanila, ang kumperensya ng mga obispo ay lumampas na sa kanilang kakayahan.

picture: Rainer Maria Woelki, © Raimond Spekking, CC BY-SA, #newsJsphjnlcwz