fil.news

Filial Correction "Maling-Mali" Ayon sa Opus Dei

Tinawag ni Monsenyor Mariano Fazio, ang vicar general (ikalawang tao) ng Opus Dei, na ang Filial Correction sa 'Amoris Laetitia' ni Papa Francis ay "maling-mali". Ayon sa infovaticana.com, sinabi pa ni Fazio na ang mga pumirma ay "iniskandalo ang buong Simbahan".

Ang miyembro ng Opus Dei na si Ettore Gotti Tedeschi, ang dating presidente ng bangko ng Vatican, ay kasama sa mga pumirma ng sulat. Tungkol sa kanya sinabi ni Fazio, "Tingin ko mali din siya, tulad ng ibang pumirma".

picture: Mariano Fazio, © Oficina de Información del Opus Dei, CC BY-SA, #newsKjisoxnxbv
112