fil.news
34

Nakalalasong Reporma: Pagliit ng Dumadalo sa Misa sa Ilalim ni Francis Pinakamabilis sa Loob ng Ilang Dekada

Ang lingguhang bilang ng mga mga Katolikong U.S. na dumadalo sa simbahan ay bumulusok simula nang mahalal si Papa Francis ayon sa Gallup Poll (Abril 9).

Ang bilang ng mga dumadalo ay nasa 39 porsiyento mula 2014 hanggang 2017 habang noong 2005 hanggang 2008 ito ay nasa 45 porsiyento.

Ito ay bumaba ng higit sampung porsiyento habang nananatili ang bilang sa mga Protestante.

Ang pagbagsak ay tuloy-tuloy simula noong Ikalawang Konseho ng Vatican. Gayunpaman, tumigil ito sa mga unang taon ng panunungkulan ni Benedict XVI, ngunit mabilis na nagpatuloy sa ilalim ni Papa Francis at naging pinakamalakas na pagbagsak simula noong 1970.

picture: © Mazur, catholicnews.org.uk, CC BY-NC-SA, #newsGskxuuyxdu