fil.news
80

Masamang Pekeng Balitang Aleman Laban Kay Kardinal Burke

Naglathala ang domradio.de ng Artsidiyosesis ng Cologne ng isang galit na panayam kay pro-gay Padre Bernd Hagenkord S.J., ang editor-in-chief ng German Radio Vatican, laban kay Kardinal Raymond Burke.

Sa pangunahing nilalaman sa domradio.de sinabing si Kardinal Burke ay may "malalim na ugnayan" sa (dating) White House Chief Strategist na si Steve Bannon, at kahit kay Presidente Donald Trump, sa kabila ng katotohanan na si Hagenkord mismo ay pinabulaanan ito sa kanyang panayan habang tinawag si Bannon na malaking kritiko ng banyagang panghihimasok ng hukbo ng U.S., "ang pinakasukdulang tagasira".

Tungkol sa Amoris Laetitia, sinabi ni Hagenkord na si Kardinal Burke ang tanging kardinal na pumupuna sa kontrobersyal na dokumento bagaman ang Dubia (pagdududa) patungkol sa Amoris Laetitia ay pinirmahan ng apat na kardinal. Kahit ang dating Prepekto ng Kongregasyon para sa Doktrina ng Pananampalataya na si Kardinal Gerhard Ludwig Müller ay ipinahayag ang kanyang hindi pagkakaunawakung bakit tumatanggi si Papa Francis na makipag-diyalogo tungkol sa Amoris Laetitia.

Naniniwala si Hengkord na hindi alam ni Kardinal Burke kung paano magharap ng pormal na pagtatama sa Amoris Laetitia. Gamit ang maling Aleman hinulaan niya na ang pagtatamang ito ay produkto lamang ng imahinasyon ni Kardinal Burke. Naging malinaw mula sa mga salita ni Hagenkord na hindi niya naiintindihan na hindi humingi ng "pormal na pagtatama" si Kardinal Burke kay Francis ngunit sagot lamang sa limang Dubia. Tanging kung ang sagot lamang ay hindi ibinigay, naudyukan ba si Burke sa paglathala ng pormal na pagtatama ng Amoris Laetitia.

Sa huli, sinisi ni Hagenkord si Kardinal Burke sa paglikha ng "pagkakahati-hati" na parang si Burke ang may-akda ng nakapaghahati-hati na Amoris Laetitia.

picture: Raymond Burke, © John Briody, CC BY-ND, #newsVylgyzsxzf