fil.news
144

Pinansyal na Kaguluhan: Tumanggi ang Vatican na Tingnan ang Ugat ng Problema

Ang dating presidente ng Vatican Bank na si Ettore Gotti Tedeschi, ay ipinaliwanag sa marcotosatti.com, ang nasa likod ng biglaang pagbibitiw ng pangkalahatang auditor ng Vatican, na si Libero Milone.

Ayon kay Gotti, ayaw ng Vatican na tingnan ang ugat ng problema. Para sa kanya ang pangunahing kahirapan ay dahil sa hindi pagpapatupad ng proseso ng transparency, na ginusto ni Benedict XVI sa kanyang Motu Proprio upang mapigilan ang ilegal na pagkuha ng pondo (Disyembre 2010). Sinubukan ni Benedict XVI na gumawa ng pinansyal na transparency ngunit ayon kay Gotti, ang kanyang pagsisikap ay nabago "sa misteryosong paraan".

Para kay Gotti, hindi lamang kailangan ng Vatican na palitan ang kanyang mga instrumento ngunit pati na rin ang mga tauhan na gumagamit dito. Ngunit upang mahanap ang tamang tao, kailangan ng papa ng mga tamang konsehal, dagdag pa ni Gotti. Kinokonsidera niya ang Financial Information Authority (AIF), na gusto ni Benedict XVI, bilang solusyon sa problema. Ito ay naunang pinamunuan ni Kardinal Attilio Nicora (+2017), na kinalaunan "sa nakababahala at kontrobersyal na panahon ay pinalitan ng mga tao na tila tatamaan ng pagbabago ng batas sa transparency at ilegal na pagkuha ng pondo".

Ang AIF ay kasalukuyang pinamumunuan ng isang abogadong Swiss na si René Brülhart.

picture: Libero Milone on flickr, #newsLvqhteykzh